Rookie Dad Diaries
  • Blog
  • About
  • Contact
  • Home
  • Nitro Nutrition

Buwan Ng Wika

9/2/2014

Comments

 
Picture
Si Amanda sa kanyang kasuotang Filipino (maliban sa kanyang tsinelas na galing din sa isang bansang sinakop ng Espanya)
Sa nagdaang buwan ng wika (Agosto) nais ko lang na gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kalagayan ng kultura at wikang Filipino sa ating mga kabataan. Gagamitin ko rin ang salitang balbal at kolokyal sa aking paglalahad ng mga napansin ko.


  1. Nasaan na si Pong Pagong, Kapitan Basa, Manang Bola at Kiko Matsing? Ngayon ko na-realize (eto ang difference ng Filipino at Tagalog base sa aking pagkakatanda sa aking Filipino 101 class gumamit ng realize kaysa sa napagisipan) na sa dami ng cable channels sa mga nangungunang providers, ni isa eh walang nagtuturo tungkol sa kultura at wikang pinoy.  Meron mga attempt na mag-tagalized ng Disney Junior shows pero ang pagpapalit ng wika nang isang palabas ay hindi pa direktong nagtuturo ng ating kultura kung saan nakaugat ang wika natin.
  2. Kelan kaya magkakaroon nang parang High Five na show ang kabataang Pinoy?  Baka pwedeng title eh "Apir!" :) Sa dami nang world-class na musikero, artista, singer at dancer na Pinoy, nakakapagtaka na wala tayong ma-produce na show na kagaya ng High Five.  Ulit napaisip ako kung bakit nga ba?  Malamang hindi ito sa kakulangan ng talento, kundi dahil ang bawat show sa telebisyon ay nag-uugat sa komersiyalismo, market-driven ika nga.  Ibig sabihin, meron ba manonood? Pag wala, walang magbabayad ng advertisements at malulugi lang ang mamumuhunan. Sa 300 na taon na sinakop tayo ng mga Kastila (pagbigyan niyo na ang pagiging nerd ko sa Philippine history), napakaganda ng kanilang naging stratehiya para mas mapalawig ang kanilang kapangyarihan sa panahon ng pananakop. Hindi sandata at pwersa ang ginamit kung hindi ang pagtanim sa kaisipan nang sinumang sinasakop nila na ang "superior" na lahi ay sila. Na kapag puti ang balat at matangos ang ilong, eto ang pamantayan ng magaling.  Matagal na nakalaya ang Pilipinas pero, ang konsepto ng "colonial mentality" pa rin ang nagdidikta sa pambansang merkado.  Sa tingin ko naman meron naman pagasa na mabago ito habang nagpapatuloy ang globalization, mas marami na ang nagiging aware na bawat kultura ay pantay-pantay at may pinepresent na competetive advantage.  Ibig sabihin, walang dahilan para hindi natin tangkilikin ang sariling atin.
  3. Patintero, langit lupa, mataga taya, luksong tinik, baka o kung anumang hayop... mga larong napalitan na ng little tykes slides, swing, see-saw, play house at ang malupit, tablet at mobile phones. Muli, wala naman masama sa paglalaro sa mga bagong playgrounds o kahit teknolohiya.  Sa palagay ko lang, may mga nawawalang pang Pinoy na interaksyon kung hindi na nalalaro yung mga larong kalye.  Siguro sa patintero ka lang makakarinig ng mga Pinoy trash talk na "isama mo pa ang lelang mong panot!" pag nakatawid ka.  Pano mo naman maririnig yun sa slide at playhouse?


Sa makabagong mundo, wish ko lang na sana ay wag mawala yung identity natin bilang Pinoy sa kabila ng globalization.  Maraming nagkukwentong mga magulang sa kin na nahihirapan sa Filipino at Social Studies ang mga anak nila dahil nagiging second language na lang ang Filipino.  Sabi sa Filipino 101 ko nung college, ang wika ay repleksyon ng kultura.  Habang patuloy na humihina sa Filipino ang mga susunod na henerasyon, pangitain na rin kaya ito nang paghina ng kulturang Pinoy natin?
Picture
Si Lolo Ador, ang personipikasyon ng wikang Filipino. Kung susukatin ang kanyang balarila, marahil mapupuno natin ang 1Pb ng hard disk sa dami at lalim ng alam niyang salita.
Picture
Ang dating normal na kasuotan, costume na ngayon. Baka mamaya pagkalipas ng 10 taon, ang skinny jeans ay maging pambansang kasuotan na rin?
Comments

    Subscribe via Email

    Please subscribe by entering your email address:

    Delivered by FeedBurner

    Want to earn through stocks? Click Here

    Join the Truly Rich Club

    Author

    I'm a technology geek, photographer, musician and a rookie dad trying out to speak my mind through writing my daily experiences as a young Pinoy dad.

    Archives

    June 2022
    January 2022
    November 2021
    October 2021
    September 2017
    August 2017
    July 2017
    June 2017
    January 2017
    December 2016
    October 2016
    August 2016
    July 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    November 2015
    September 2015
    August 2015
    July 2015
    June 2015
    May 2015
    April 2015
    March 2015
    February 2015
    December 2014
    November 2014
    October 2014
    September 2014
    August 2014
    July 2014
    June 2014
    May 2014
    April 2014
    March 2014

    Categories

    All
    2014
    2016
    2017
    8th Month
    Abs
    Accountability
    Amanda
    Ancop
    Asian Hospital
    Aubrey
    Babies
    Baby
    Birthday
    Blw
    Breastfeeding
    Breastmilk
    Caliwag
    Cassandra
    Cfc
    Challenge
    Character
    Charity
    Chickenpox
    Constipation
    Daddy
    Date
    Death
    Delayed Gratification
    Education
    Essentials
    Family
    Firstday
    First-movie
    Firstweek
    Food For Hungry Minds
    Friends
    Froot Loops
    Girl Power
    Give Back
    Giving Back
    Grace
    Health
    Heaven
    Hidden Talent
    Hope
    Hotdog
    Insights
    Kidzania
    Learnings
    Legacy
    Life
    Love
    Love More
    Maternity Shot
    Mid Year
    Mom
    Mommy
    Movie
    Parenting
    Passing
    Patience
    Pets
    Photography
    Play-doh
    Pregnancy
    React
    Respond
    Responsibility
    Reunion
    Rio2
    Robles
    Rookie Dad
    Same Sex Marriage
    School
    Smart Kid
    St. Augustine
    Strength
    Teeth
    Time Management
    Toddler
    Toy Demo
    Traffic
    Training
    Travel
    Trust
    UN
    United Nations
    Workout
    Yaya

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Blog
  • About
  • Contact
  • Home
  • Nitro Nutrition